Lokal na Pamahalaan ng Pigcawayan Nakatanggap ng 10,000 na Iba’t Ibang Uri ng Hardwood Seedlings
Nakatanggap ang Local Government Unit ng Pigcawayan sa pamumuno ni Aksyon Man Mayor Juanito “Totoy” C. Agustin ng 10,000 assorted hardwood seedlings (Mahogany at Bayog) mula sa DENR XII-Provincial Environment and Natural Resources Office sa pamumuno ni PENR Officer Radzak Sinarimbo.
Ang mga seedlings na ito ay gagamitin sa Tree Growing Program ng LGU-Pigcawayan at sa Balik Kinaiyahan Program ng Probinsiya ng Cotabato sa pangunguna ni Governor Emmylou “Lala” Taliño –Mendoza upang maibsan ang epekto ng Climate Change. Malaking pasasalamat ni Mayor Totoy Agustin sa DENR XII-PENRO sa mga seedlings na ibinigay . Ang mga naturang seedlings ay tinanggap ni Municipal Environment and Natural Resources Officer Joaquin P. Tacula, RPF, bilang kinatawan ni Mayor Agustin.